Monday, December 08, 2008
Sunday, December 07, 2008
Friday, November 14, 2008
Don't go far off, not even for a day, because
Don't go far off, not even for a day, because--
because--I don't know how to say it: a day is long
and I will be waiting for you, as in an empty station
when the trains are parked off somewhere else, asleep.
Don't leave me, even for an hour, because
then the little drops of anguish will all run together,
the smoke that roams looking for a home will drift
into me, choking my lost heart.
Oh, may your silhouette never dissolve on the beach;
may your eyelids never flutter into the empty distance.
Don't leave me for a second, my dearest,
because in that moment you'll have gone so far
I'll wander mazily over all the earth, asking,
Will you come back? Will you leave me here, dying?
Pablo Neruda
Thursday, October 30, 2008
Thursday, October 23, 2008
Re-rendered
SM City Cebu? Pinoy ba ang gumawa ng site? Pwede. Pero nung pumunta ako sa blog nya, russian yung characters so baka ginamit lang nya yung image.
Friday, October 17, 2008
i carry your heart with me
i carry your heart with me(i carry it in
my heart)i am never without it(anywhere
i go you go,my dear; and whatever is done
by only me is your doing,my darling)
i fear
no fate(for you are my fate,my sweet)i want
no world(for beautiful you are my world,my true)
and it's you are whatever a moon has always meant
and whatever a sun will always sing is you
here is the deepest secret nobody knows
(here is the root of the root and the bud of the bud
and the sky of the sky of a tree called life; which grows
higher than the soul can hope or mind can hide)
and this is the wonder that's keeping the stars apart
i carry your heart(i carry it in my heart)
ee cummings
Wednesday, October 08, 2008
Kinakausap ako ng picture na'to
Di ko masabi kung ano talaga ang na-capture ko dito pero gustong-gusto kong titigan ang picture na'to. Salamin ko ang suot nya dahil naiwan nya yung kanya sa bahay. Nakadagdag ba na gamit nya ang salamin ko kaya mas attractive sya sa akin dito? Nabasa ko kasi sa kung saan na kapag suot ng babae ang damit mo, nadadagdagan ang appeal nya. Hindi naman damit ang salamin, baka hindi yun.
Hindi naman exceptional ang lighting ko dito. Actually snapshot nga lang to. Naghihintay kami sa mall tapos pinitik ko lang.
Siguro dahil hindi ko mawari ang expression ng mukha ni Hannah sa picture na'to. Parang masungit pero parang isang segundo na lang ngingiti na sya.
Ewan ko kung ako lang, pero may mga ganon talagang picture. Parang kinakausap ka na parang gusto mo namang sumagot. Sa picture na'to parang may sinasabi sya sa akin.... na parang ang gusto kong isagot e "Oo, ako na ang maglilinis ng banyo mamaya."
Project Hannah
Thursday, October 02, 2008
Tuesday, July 15, 2008
Thursday, May 29, 2008
Saturday, May 03, 2008
Taguan
“Your task is not to seek for love, but merely to seek and find all the barriers within yourself that you have built against it.”
-Jalal ad-Din Rumi
Monday, April 28, 2008
Saturday, April 19, 2008
Kissing the Sun
"Before you slip into unconsciousness
I'd like to have another kiss
Another flashing chance at bliss
Another kiss, another kiss.."
The Doors
Thursday, April 17, 2008
Isang Dipang Langit
"At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay . . .
layang sasalubong ako sa paglaya!"
Amado V. Hernandez
Sunday, April 06, 2008
Saturday, April 05, 2008
Friday, March 21, 2008
Saturday, March 15, 2008
Wednesday, March 12, 2008
Kasunod ng sigwa'y panahong payapa.
Buhay
Manuel Car. Santiago
Sagitsit ng tuwang nanulay sa ugat,
Aliping damdamin na nagpupumiglas,
Nang bigyan ng laya't bayaang umalpas,
Ang lugod ng puso'y dumaloy na katas.
Nagpikit ng mata ang antuking ilaw
At saka lumatag ang katahimikan;
Tulog na ang lahat, walang naglalamay
Kundi mga pusong tugma't magkaramay.
Halos nagpupuyos ang wagas na mithi,
Nang walang masayang na mga sandali;
Nagpapalumagak ang layong masidhi
Sa silid na kaban ng mga lunggati.
Bangkay na ang lugod matapos lumaya,
Patay na ang ningas ng kanilang nasa;
Kay tamis ng hirap, kay sarap ng luha,
Kasunod ng sigwa'y panahong payapa.
(Sa dibdib ng lupa ang punla'y tumubo
At ngayo'y hinog na ang bunga sa puno).
Wednesday, February 27, 2008
Panata't Pag-ibig
Panata't Pag-ibig
Ang ating pagsinta’y wala sa kalawakan
Ako ay di araw, ikaw ay di ang buwan
Ang ating pag-ibig wala sa alapaap
Di sa himpapawid at mga ulap
Sa gitna ng agam-agam
Sa piling ng pangangamba
Kakambal ng kasaysayan
Itong ating pagsinta
Ang pagsubok at panganib
Sa panahon na ligalig
Ang siyang magpapanday sa ating
Panata’t pag-ibig
Ikaw ay apoy at ako ay hangin
Alab at lamig sa liwanag at dilim
Tayo’y mga punong matayog ang pangarap
Ngunit sa lupa’y laging nakaugat
O, pawis at dugo
Ang magpapalago
Sa ating pagsuyo
Ako ay lupa at ikaw ay dagat
Ang alon mo’t ugma sagana ko’t salat
Tayo’y mga ilog, sa pakikibaka galing
At ang magbubuklod pakikibaka rin
O, sa paglalakbay
Sana tayo ay
Tatandang sabay
Sa gitna ng katanungan
Kung wasto at kung mali
Laging may maaasahan
Laging may katunggali
Ang mga tula at himig
Ng minimithi nating daigdig
Ang siyang magpapanday sa ating
Panata’t pag-ibig
(Gary Granada)