Saturday, June 17, 2006

Sa Dagat



Ito ang pinakapaborito ko sa mga pictures nya sa Puerto Galera.


Dagat

Namamaybay
ang tubig sa paypay
ng hanging habagat
Dumadampi
sa umaasang pisngi
ng tabing-dagat

Dagat
na pagitan
ng ating pag-ibig
singlawak, singlayo, singlalim
Ngunit
sa isang panig
dagat ang nagsasanib
ng dalampasigan mo sa 'kin

Namamangka
ang aking diwa
sa nakalipas
Tumatawid
sa ibayong daigdig
ng ating bukas

Sa dagat ng pangako
sa laot ng pangarap
sa alon ng iyong mga halik

Dagat din ang luha
ng pusong naghihirap
naghihintay sa iyong pagbabalik...

-Gary Granada
 Posted by Picasa

Thursday, June 15, 2006

Hannah@work



It's a photo of Hannah with a colleague (sorry I forgot the name). She took the camera with her at work and shot around. I particularly like this one because she radiates energy like the sun. Posted by Picasa